Powered By Blogger

Saturday, November 26, 2011

Nasaan ka, Kalayaan?





Ang Kalayaang Hindi Matanto


Isang malaking mundo ang ating ginagalawan. Mahigit kumulang isang bilyong tao ang nakapalibot sa atin. Mahirap mabuhay sa mundong ito kung ang lahat ng tao ay tutol sa pahayag mo. Hindi ba pwedeng magbigay ng isang opinyon sa isang bagay ng walang tumututol? Hindi ba pwedeng intindihin muna nila na may sarili akong opinion? Oo, alam ko na iba-iba talaga ang opinion nating lahat kaya ang tanging magagawa na lang natin ay respetuhin ang mga ito.

Malaki na ang ipinagbago ng gobyerno ngayon. Tanging ang mga edukado, matatalino at mayaman lamang ang pwedeng magpahayag ng kani-kanilang opinion. Nasaan na ba ang mga karapatan nating mga Pilipino? Tayo ba ay lubha ng nasakupan ng isang masamang pag-iisip? Tayo ba ay ganap ng malaya?

Ano nga ba ang Kalayaan sa Pamamahayag? Kailangan pa ba talaga nito? Ano ba ang halaga ng Kalayaan sa Pamamahayag? Ang Kalayaan sa Pamamahayag ay ang kalayaan sa pagsasalita at pagbibigay ng opinyon nang walang sensura. Ito ay napakahalaga dahil ito ay ineenjoy ng mga bata at matanda, mapa-babae man o lalaki.  Ito ay hindi lang mahalaga kung hindi NAPAKAHALAGA dahil dito ay maari mong ilabas ang iyong sama ng loob, opinyon at saloobin.Karapatan ng bawa’t nilalang na malayang makapamahayag ng kanyang saloobin. Kaaya-aya man o di kanais-nais sa ating pandinig, ito’y isang karapatang dapat igalang. Isang krimen ang pigilin ito.
Naramdaman mo na bang mahusgahan dahil sa isang pagkakamali lang? Naramadaman mo na bang ikahiya ng kaibigan mo dahil sa isang opinyon? Naramdaman mo na ba ang hirap na dinanas ng iba't ibang journalist  at media dahil sa pagkakakulong dahil lang sa pagpapahayag ng sariling saloobin? Gustong-gusto mo na bang sabihin na " Gusto ko lang magpakatotoo"? Hindi ba nila alam ang ibig sabihin ng KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG?


 Ako’y nabahala sapagka’t napansin kong nanganganib na mangyari na naman muli ang ating dinanas noong panahon ni Marcos. Sa kasalukuyan, halos linggo-linggo ay may mamamahayag na pinapaslang. Kapansin-pansin na ang mga salungat sa pamahalaan ay isa-isang pinapatay o di naman kaya ay naglalaho na lamang na parang bula.


Pagpapatunay lamang ito na lubhang delikado ang maging miyembro ng mass media sa ating bansa. Sa bawat pagbibigay ng balita, impormasyon at komento ukol sa mga bagay na dapat malaman ng publiko ay nakataya ang kanilang buhay.


Ang mga karapatan ng tao ay dapat ingatan hindi dapat ito aabusuhin bagkos alamin ito.  Kagaya ng mga karapatan ng mga Media na hindi dapat itong aabusuhin dahil magkakaroon ng kagulugan.At kailangan din ng disipilina ang mga mamahayag sa kanilang sarili. Ang mga karapatan ay dapat alagaan at disiplinahin ang ang sarili mo upang maalagaan mo ang Sarili mong karapatan. Huwag aabusuhin ang mga karapatan upang hindi magkagulo ang ating mundo. Ito ang isang mahalaga sa parte ng tao ang karapatan dahil kung wala ito maapi lang tau ng ahensiya ng pamahalaan o kung ano pa. Kailangan ng isang bansa ang karaptan ng bawat tao dahil kung wala ito magkakagulo ang bansa o mundo. Sana ay mas bigyang halaga nila ang pagrerespeto sa iba't-ibang opinyon o saloobin. 


Maraming tao ang magaling manghusga. Sana hindi ka isa sa kanila. Hanggang dito na lang muna. 

Mga Imahe:
Unang Imahe:  http://farm4.static.flickr.com/3182/2942435754_26d3aceb5e.jpg




Mga Pinagkuhanan: